Ang Pilipinas ang pangalawang pinakamalaking producer ng nickel sa mundo kasunod ng Indonesia, at ang pinakamalaking exporter ng nickel ore sa mundo. Mahalagang bahagi ang nickel sa mga lithium-ion battery na ginagamit upang magpatakbo ng electric vehicles (EVs) at mga renewable energy storage unit.
Sa mga probinsya ng Zambales at Palawan – tahanan ng ilan sa mga pinakamalaking deposito ng nickel sa Pilipinas – ang mga Indigenous at rural na komunidad ang nagdurusa mula sa pag-aagawan ng mundo sa extraction ng mga materyales para sa energy transition.

