Pilipinas: “Tapang ang ipinalit ko sa pangamba”: Red-tagging at ang estado ng karahasan laban sa mga kabataang human rights defender sa Pilipinas

Idinodokumento ng ulat na ito kung paano ginamit ng dalawang magkasunod na pamahalaan nina Pangulong Duterte at Pangulong Marcos Jr. bilang sandata ang mga digital tools, pagpapalaganap ng maling impormasyon at malabong batas laban sa terorismo upang gipitin, takutin at supilin ang mga kabataang tagapagtanggol ng karapatang pantao o human rights defenders (HRDs) sa Pilipinas. Ang praktis ng “red-tagging” ang sentrong elemento sa pinag-ugnay na kampanya ng karahasan ng estado, kung saan ang pag-aandira ng mga pangunahing political figure at state security actor ay nag-uudyok ng diskriminasyon at karahasan laban sa mga human rights defender, aktibistang mag-aaral o student activist, guro, manggagawa sa media at iba pa bilang mga “rebeldeng Komunista” at “terorista”. Agarang nananawagan ang ulat na ito para sa wakasan ang mga pag-atake ng mga state actor sa mga.

Choose a language to view report

Download PDF